Pagsasampa ng kaso sa mga dating opisyal ng DOTC dahil sa problema sa MRT long overdue na – Palasyo

Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ng Palasyo ng MalacaƱang ang kasong isinampa ng Department of Transportation (DOTr) laban kina dating Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya at iba pang opisyal ng DOTC kaugnay sa pinasok na kontrata sa Maintenance Provider ng MRT 3.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, matagal na dapat naisampa ang kasong ito laban sa mga dating opisyal ng DOTC.

Sinabi din ni Abella na pagkakataon ito ng Office of the Ombudsman na ipakita ang kanilang pagiging independent sa pag-iimbestiga sa mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian.


Binigyang diin din Abella na dapat magsilbing babala sa mga opisyal ng Pamahalaan na dapat ay ginagampanan nila ang kanilang tungkulin ng may competence, integrity at compassion dahil sila ay accountable sa lahat ng kanilang aksyon.

Facebook Comments