Inirekomenda na ng Inter-Agency Committed on Extrajudicial Killings (EJKs) ang pagsasampa ng kasong kriminal sa mga komunistang grupo na umano’y lumabag sa International Humanitarian Law (IHL).
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, inirekomenda ito ng committee’s Technical Working Group (TWG) na nakabase sa 1,500 cases na ipinasa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Magiging patas ang pagsasampa dahil nakabatay ito sa mga kasalanang mayroong sapat na ebidensiya.
Ilan sa mga ito ay ang common crimes tulad ng murder, kidnapping at arson.
Binuo ang Inter-Agency Committee sa ilalim ng Administrative Order No. 35 o mas kilala bilang AO 35 Inter-Agency Committee on Extra-Legal Killings, Enforced Disappearances, Torture and Other Grave Violations of the Right to Life, Liberty and Security of Persons.