Pagsasampa ng kaso sa mga nasibak na opisyal ng pamahalaan ni Pangulong Duterte, Ombudsman na ang bahala

Manila, Philippines – Ipinaubaya na lang ng Malacañang sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng pamahalaan na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kaugnayan sa katiwalian.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, trabaho na ito ng Ombudsman dahil ang magagawa lamang ng ehekutibo ay sibakin ang mga opisyal ng pamahalaan na nakitang may kinasasangkutang anomalya at ang Ombudsman na ang bahala sa kasong posibleng isampa laban sa mga ito.

Matatandaan na ilang opisyal na rin ng pamahalaan ang sinibak ni Pangulong Duterte mula sa miyembro ng kanyang gabinete hanggang sa iba pang opiysal ng mga kagawaran at departamento pero kapansin pansin na wala namang kasong naisasampa laban sa mga ito.


Sinabi ni Roque na nasa kamay ng Ombudsman ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa mga kaso ng katiwalian.

Facebook Comments