Pagsasampa ng kasong homicide sa sampung pulis sa Laguna operation, patunay na walang whitewash – PNP

Ikinatuwa ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang mabilis na imbestigasyon ng CALABARZON PNP sa pagkamatay ng 16 na taong gulang na binatilyong sa isang police operation sa Laguna kamakailan.

Nakapagsampa na kasi ng kasong homicide ang PRO-4A Fact-finding Investigation Task Group sa Biñan City Prosecutor’s Office laban sa 10 pulis na sangkot sa operasyon.

Ayon kay PRO-4A Regional Director BGen. Eliseo DC Cruz na kabilang sa sinampahan ng kaso ang mismong head ng team head mula sa Laguna PPO Intelligence Branch na si PCapt. Fernando Credo, batay na rin complaint-affidavit ng ina ng binatilyo.


Ito ay kahit na may mga ebidensya at testimonya na sumusuporta sa ulat mga pulis na nakipagbarilan sa mga pulis ang target ng operasyon kasama ang binatilyo, na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Para kay Eleazar ang pagsasampa ng kaso ay patunay na hindi pagtatakpan ng PNP ang kanilang mga tauhan kung may akusasyon laban sa kanila.

Hinikayat naman ni Eleazar ang pamilya at publiko na hayaan ang city prosecutor na magpasya sa isinampang kaso.

Facebook Comments