Pagsasampa ng kasong kriminal kay Julian Ongpin patunay na umiiral ang rule of law sa bansa ayon sa PNP

Umiiral pa rin ang rule of law sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar, matapos ang paghahain ng kasong kriminal laban sa anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin na si Julian Ongpin dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Si Julian ang nobyo ng artist na si Bree Jonson na siyang itinuturing na person of interest sa pagkamatay nito matapos matagpuang wala nang buhay sa loob ng kanilang silid sa isang resort sa La Union nitong nakalipas na buwan.


Inaresto si Julian Ongpin dahil sa paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 pero pinalaya rin batay na rin sa kautusan ng La Union Provincial Prosecutor’s Office.

Samantala pinangunahan ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kaso laban kay Ongpin na isang non-bailable offense sa Regional Trial Court ng San Fernando, La Union.

Facebook Comments