Manila, Philippines – Tinawag ni Dante Jimenez, chairman Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na fake news ang napabalitang naghain na sila ng kasong kidnapping laban kay Senator Risa Hontiveros.
Ayon kay Jimenez, nagtataka siya kung saan nanggaling ang balitang kinasuhan na nila si Hontiveros.
Nauna rito, mismong si Hontiveros ang nagbunyag na may nilulutong kaso laban sa kaniya si DOJ Secretary Vitaliano Aguirre batay sa nakunang text message nito kay dating Cong. Jacinto Paras.
Ito ay kaugnay ng pagmamatigas ng ng Senadora na ibalik sa kanilang mga magulang ang mga menod ded edad na testigo sa pagpatay kay Kian delos Santos sa isang anti-narcotics operation sa Caloocan City.
Matapos ang tatlong linggo na nanatili sa kaniyang kustodiya ang menor de edad, ipinasakamay niya kay Caloocan Bishop Pablo David.
Samantala, isinasapinal na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang kanyang isasampang ethics complaint laban Hontiveros.
Target niya na ihain ang reklamo ngayong linggo pero bago ito ay magbibigay muna siya ng liham kay Senate President Koko Pimentel.
Ang ihahaing ethics complaint ni Aguirre ay nag-ugat sa ilegal na pagsilip umano ni Hontiveros sa text messages sa kanyang cellphone habang siya ay dumadalo sa pagdinig ng Senado.