PAGSASANAY | Mahigit 500 Police officer 1 at mga nagtapos sa Maragtas class of 2018, isinailalim na sa SAF Commando Training

Sinimulan nang isailalim sa Special Action Force Commando Training ang mahigit limang daan mga Police Officer 1 at mga nagtapos ng Philippine National Police Academy class of 2018 sa Fort Sto Domingo Sta Rosa City Laguna.

Pinangunahan mismo ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na pagsisimula ng pagsasanay.

Matatandaang una nang sinabi ni Albayalde na lahat papasok sa PNP ay oobligahin ng sumalang sa SAF Commando Training upang mas maging disiplinadong miyembro ng PNP.


Sesentro ang pagsasanay ng mga ito sa internal security operations at counter terrorism, waterborne rescue, Police Intervention training at communication training upang maiwasan ang misencountersa mga operasyon.

Magtatagal ng walong buwan ang pagsasanay bago sila isabak sa final requirement na test mission.

Umabot aa 15,000 ang nag apply sa SAF sa nakalipas na buong taon mula sa ibat ibang parte ng bansa pero hindi lahat ay nakakatapos dahil sa hirap ng training.

Facebook Comments