PAGSASANAY NG MGA BEIs PARA SA BSKE 2023, NAGSIMULA NA

Nagsimula na ang mga guro sa Pangasinan sa pagsasanay bilang mangangasiwa sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Nitong ika-11 ng Setyembre, nagsimula sa pagsasanay ang magsisilbing mga Board of Election Inspectors para sa halalan pambarangay sa Oktubre kung saan ito ay sa mandato ng COMELEC.
Ayon sa COMELEC Pangasinan sa pangunguna ni Atty. Marino Salas, Provincial Election Supervisor sa pamamagitan ng serye ng mga pagsasanay tinatayang 22,000 guro ang sasabak dito.

Sinabi pa ni Salas na mayorya na sasailalim sa pagsasanay ay mga guro galing sa pampublikong paaralan habang mayroon namang 2,000 support staff ang kukunin para tumulong sa Araw ng Halalan.
Bukod sa support staff idinagdag pa nito na kailangan pa ring makapag-hire ng mga magiging BEIs upang maging 24, 000 na BEIs.
Umaasa naman ang opisyal na makakapag-hanap pa rin sila ng mga madaragdag sa hanay ng mga gurong sasabak sa BSKE 2023.
Samantala, ang halalang ito ay magkakaroon ng mano-manong bilangan ng mga boto. |ifmnews
Facebook Comments