Umarangkada na ang pagsasanay ng mga heath workers ng lungsod ng Taguig na magbibigay ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano, pinangunahan ang nasabing pagsasanay nina Dr. Norena Osano, head ng City Health Office at Dr. Jennifer Lou de Guzman, National Immunization Program Coordinator ng lungsod.
Aniya, mayroon ng 700 experienced vaccinators ang lungsod upang magbigay ng bakuna.
Pero aniya, handang dagdagan ito kung sakaling kulang sila ng tao na magbibigay ng bakuna laban sa COVID-19.
Inihayag din ng alkalde na maliban sa vaccination centers na nasa barangay, magtatayo ang lungsod ng tatlong mega vaccine facilities upang mapabilis ang kanilang vaccination program.
Facebook Comments