CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng pagsasanay para sa programang Yakap Bayan ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos.
May layunin ang Yakap Bayan Program na matulungan ang mga Recovering Persons Who Use Drugs (RPWUDs) tungo sa pagkamit ng pagbabago sa kanilang pamumuhay.
Hindi lamang medical needs ang tutugunan ng naturang programa, bagkus ay target nitong mabigyan ng pansin ang kanilang kabuuang pangangailangan gaya ng psychosocial, livelihood at spiritual.
Dinaluhan ng mga miyembro ng Multi-Disciplinary Teams (MDT) mula sa bayan ng Cordon at Reina Mercedes, Isabela ang naturang pagsasanay.
Dumalo rin si DSWD Regional Director Lucia Suyu-Alan kung saan hinikayat nito ang mga kalahok na ipagpatuloy at lalo pang husayan ang kanilang paghahatid ng serbisyo sa kanilang mga komunidad.