Matagumpay na isinagawa ang isang pagsasanay na tumatalakay sa kahalagahan at pagkakaroon ng pantay na karapatan ng bawat persons with disabilities (PWDs) sa siyudad ng Alaminos.
Sa ilalim ng kautusan at sa alinsunod na ito mula sa Department of Interior and Local Government na Memorandum Circular No. 2021-072, pinangunahan ang pagsasanay na ito ng City Social Welfare and Development Office upang isagawa ang isang ang training kasama ang ilang kawani ng LGU para bigyan pansin at pagtuunan ng oras ang pagkakaroon ng pantay-pantay na Karapatan at estado ng mga disabled person sa lungsod.
Mahalaga ang pagsasanay na ito upang lubos ding maintindihan at mabigyan ng pantay na serbisyo at aksyon ang mga kabilang sa PWDs.
Samantala, naging tagapagsalita ang mga kinatawan mula sa Regional Association of Women With Disabilities (RAWWD), Trade and Industry Development DTI-Pangasinan Provincial Office, DPWH Pangasinan District 1 Office, City of Alaminos at sa EDAPACI kung saan nagbigay din ng mensahe ang ilang matataas na kawani ng LGU sa naturang programa.