Nagsagawa ang Gender and Development (GAD) Unit ng dalawang araw na pagsasanay sa paggawa ng mga produktong mula sa malunggay sa Palina, Pugo, La Union.
Layon ng aktibidad na mapalakas ang kabuhayan ng mga kababaihan sa kanayunan sa pamamagitan ng paglinang ng mga produktong gaya ng malunggay powder at polvoron.
Bahagi rin nito ang pagpapalaganap ng kaalaman sa wastong kaligtasan sa pagkain.
Dinaluhan ang pagsasanay ng mga miyembro ng Palina Indigenous Peoples Farmers Association, mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya, at mga tagapagsalita.
Bilang suporta sa kanilang kabuhayan, pinagkalooban sila ng mga kagamitan para sa malunggay processing upang magamit sa pagpapatuloy ng kanilang proyekto.
Facebook Comments








