PAGSASANAY SA PAGGAWA NG MGA PRODUKTO MULA SA PATAPON NA NIYOG, ISINAGAWA SA CALASIAO

Isinagawa sa bayan ng Calasiao mula Setyembre 28 hanggang 30 ang isang pagsasanay hinggil sa paglikha ng mga produktong kapaki-pakinabang mula sa mga patapon na bahagi ng niyog.
Ayon kay Dr. Quinit, layunin ng aktibidad na matulungan ang mga kabataan at magsasaka na magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan sa pamamagitan ng makabagong paraan ng paggamit ng niyog.
Samantala, ibinida ng mga kalahok ang kanilang mga natapos na produkto.
Sa naturang aktibidad, ipinakilala rin sa mga kalahok ang paggawa ng organic fertilizer o Mokosaku bilang isa pang alternatibong pagkakakitaan.
Umaasa si Dr. Quinit na magkaroon pa ng mga proyektong tutugon sa mga pangangailangan ng sektor ng agrikultura, partikular na ang pagkakaroon ng maayos na sistema.
Facebook Comments