PAGSASANAY SA WATER-BASED OPERATIONS NG KAPULISAN, PINALALAKAS SA PANGASINAN

Tinuldukan ng Pangasinan Police Provincial Office (Pangasinan PPO) ang Water Search, Rescue, and Survival Course (WSRSC) na naglalayong paigtingin ang kaalaman at kasanayan ng mga pulis sa mga water-based operations.

Ayon sa tala, ang kurso ay nakatuon sa water search, rescue at survival operations na kadalasang tumatagal ng limang araw.

Dagdag dito, mahalaga ang naturang kurso sa pagtugon sa mga insidente sa mga ilog at baybayin.

Sa ginanap na seremonya, ginawaran ng Certificates of Completion at mga medalya sa mga nagsipagtapos sa kurso.

Higit pa rito, sumasalamin ang kurso sa kahandaan at pagpapabuti ng kakayahan ng kapulisan na rumesponde sa anumang emergency sa katubigan.

Facebook Comments