Pagsasanib Pwersa Ng Mga Teroristang Grupo Sa Bansa Sa Ilalim Ng Isis, Itinanggi Ng Militar

32

MANILA – Itinanggi ng militar na nagsanib pwersa ang mga teroristang grupo sa bansa sa ilalim ng ISIS.Sa isang interview, sinabi ni Abu Sayyaf Spokesman Abu Rami, na nagkakaisa ang Jihadi Group bilang Islamic State Philippines at una nilang operasyon ang pambobomba sa Roxas Night Market sa Davao City.Ayon kay Abu Rami, kapag binakbakan sila sa Sulu at Basilan… posibleng magsagawa pa sila ng mga pag-atake kasama na rito ang Metro Manila.Pero, itinanggi ni Western Mindanao Command (Wesmincom) Spokesman Filemon Tan ang pahayag ng Abu Sayyaf, dahil matagal na silang nakikisakay sa ISIS.Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa Davao blast na ikinamatay ng 14 at ikinasugat ng mahigit 60.

Facebook Comments