Iminungkahi ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST – PhiVolcs) ang kahalagahan ng pagsasapinal evacuation plans ng mga lokal na pamahalaan kasunod ng naitalang serye ng offshore earthquakes sa Sta. Catalina, Ilocos Sur.
Sa naganap na pulong ng Region 1 Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC1), ibinahagi ang ilang kaalaman ukol sa nangyaring mga maliit na pagyanig at kung ano ang posibleng epekto nito sakaling gumalaw ang buong Manila Trench 2 ay maaaring mabuo ang Magnitude 8.4 na lindol.
Kaugnay nito, binigyang-diin ang pagtutok sa pagsasapinal ng evacuation plans ng mga lokal na pamahalaan ng Ilocos Region o Region 1, 2 at 3 upang mapaghandaan ang naturang kalamidad.
Ayon kay DOST-PHIVOLCS Science Research Specialist Angelito Lanusa, kinakailangan na accessible evacuation plans upang ipaalam sa lahat ang mga nararapat na aksyon kaugnay nito.
Paalala rin ni OCD Ilocos Regional Director at RDRRMC 1 Chairman Lorence Mina, kailangang makiisa at sumunod sa anumang ibinababang patnubay o kautusan ng mga concerned agencies upang agaran ang hakbangin sa paghahanda rito.
Samantala, sakaling magkaroon ng tsunami ay inatasan ang lahat na pumunta sa matataas na lugar o strukturang may taas na 10m above sea level. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨