Target ng Kamara na maisapinal ang 2022 national budget sa Oktubre 11
Ito ay matapos pormal nang nag-convene ang small committee na binuo para tumanggap ng amyenda sa 2022 General Appropriations Bill.
Pinangunahan ito ni Appropriations Committee Chair Eric Yap at lahat ng miyembro ng Kamara.
Ayon kay Yap, pormal na nilang tinanggap ang mga proposed amendments para sa panukalang pambansang pondo.
Mula naman ngayong araw hanggang sa susunod na linggo ay bubusisiin at aaralin ng komite ang mga amyenda na ipinanukala ng mga ahensya.
Facebook Comments