Pagsasapribado ng NAIA, malaking dehado sa publiko

Ang publiko ang unang tatamaan ng isinusulong ng Transportation Department na pagsasapribado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Samahang Manggagawa sa Paliparan ng Pilipinas (SMPP), magiging dagdag pasanin sa publiko ang airport fees na ipapataw sa mga pasahero kapag natuloy ang privatization sa NAIA.

Iginiit ni SMPP President Andy Bercasio, na hindi sagot sa mga aberya sa airport ang pagsasapribado sa paliparan.


Tinatayang mahigit 1,300 na mga empleyado ng NAIA ang mawawalan din ng trabaho kapag nawala sa gobyerno ang ownership ng NAIA.

Facebook Comments