Pagsasapribado sa PhilHealth, isa sa mga option, ayon sa GCG

Sinisilip ng Governance Commission for Government Owned and Controlled Corporations (GCG) ang pagsasapribado ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa pagdinig ng Senado sa proposed ₱192 million GCG budget para sa 2021, sang-ayon si GCG Chairperson Samuel Dagpin Jr. si Dagpin na i-privitize ang state-health insurer.

Pabor din sila sa proposal na gawing chairperson ng PhilHealth Board ang Finance Department Chief.


Aniya, bumagsak ang PhilHealth sa 2018 performance evaluation system.

Aminado si Dagpin na ang problema ay ang claims at benefits portion ng health care system kaya maaaring silipin din ito ng Kongreso.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang i-privitize o i-abolish ang PhilHealth.

Sa ilalim ng GOCC Governance Act of 2011, maaaring buwagin ang PhilHealth at i-privitize ng Pangulo sa pamamagitan ng GCG, kahit hindi dumaan sa Kongreso.

Sa ngayon, hinihintay ng GCG ang rekomendasyon ng Office of the President kaugnay sa resulta ng imbestigasyong isinagawa ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa mga iregularidad sa PhilHealth.

Facebook Comments