
Manila, Philippines – Hahayaan ng Senado na si Pangulong Rodrigo Duterte ang unang magsapubliko ng impormasyon tungkol sa ‘ninja cops.’
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee chairperson, Sen. Richard Gordon – isisiwalat nila sa pagdinig bukas ang mga nakalap nilang impormasyon sa mga pulis na dawit sa pagre-recycle ng ilegal na droga.
Sinabi rin ni Gordon – inimbitahan ding dumalo sa pagdinig si NCRPO Director Major Gen. Guillermo Eleazar at ang mga itinuturong ninja cop.
Hindi rin masabi ng senador kung isa si PNP Chief Oscar Albayalde sa mga pulis na tinutukoy ni Magalong na sangkot sa drug recycling.
Ang mga impormasyon ay mula kay dating PNP-CIDG chief at ngayon Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa isinagawang executive session.
Facebook Comments









