
May record ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ng mga nauna nilang pagdinig kaugnay ng flood control scandal.
Ito ‘yung nauna na ring ipinatawag na mga resource person ng komisyon.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, nakadepende pa sa ginagawa nilang guidelines at procedures kung isasapubliko ang mga naunang hearing.
Aniya, kailangang timbangin ang patakaran para mapangalagaan ang sensitibong impormasyon mula sa mga iimbitahan na resource person.
Ito’y para maprotektahan ang kanilang karapatan gayundin ang kagustuhan ng publiko na transaprency.
Una nang inanunsyo ng komisyon na ila-livestream na nila ang mga hearing kasunod ng lumalakas na panawagan ng publiko para sa transparency at accountability.
Ngunit iginiit ng ICI na baka hindi pa tuluyang maipatupad ito sa susunod na linggo dahil sa kakulangan na rin sa gamit at isang buwan pa lang aniya ang komisyon.









