Pagsasapubliko ng mga pangalan ng 21 empleyado at opisyal ng PhilHealth, maituturing anila na trial by publicity

Dumipensa ang 21 opisyal at empleyado ng PhilHealth na kinasuhan ng National Bureau of Investigation.

Ayon kay Lolita Tuliao, branch manager ng NCR Central at isa sa mga kinasuhan, mariin nilang itinatanggi ang akusasyon at tinawag nilang “foul” ang pagkakasapubliko ng kanilang mga pangalan.

Tila kinopya lang umano ng NBI ang kanilang mga pangalan mula sa isang dokumento na kanilang isinumite sa kanila.


Ito ay ang mga miyembro ng accreditation subcommittee mula 2018 hanggang 2019.

Hindi man lang daw aniya sila isinailalim muna sa imbestigasyon bago sila kinasuhan lalo pa’t hindi sila nabigyan ng pagkakataon na maipaliwang ang kanilang panig.

Tinawag din nilang ireponsable at insensitive ang akusasyon ng NBI.

Nakahanda naman aniya silang harapin ang kasong isinampa laban sa kanila ng NBI.

Facebook Comments