Pagsasapubliko ng narco-list, dapat i-justify ng DILG – Mayor Sara Duterte

Iginiit ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na dapat i-justify ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagkakasama ng mga pulitiko sa kanilang “narco-list”.

 

Ayon kay Mayor Duterte – hindi na siya makikisawsaw sa sagutan ng mga taga-oposisyon at Malacañang kung maituturing itong libelous.

 

Aniya, nararapat lamang na mabigyang-linaw ng DILG kung bakit napasama sa listahan ang ilang pulitiko at bigyan ito ng pagkakataon na makapagpaliwanag.


 

Pero ipinauubaya na niya sa DILG kung isasapubliko o hindi ang listahan.

 

Nabatid na plano ng gobyerno na ilabas ang narco-list bago ang May 13 midterm elections.

Facebook Comments