Manila, Philippines – Itutuloy ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagsasapubliko ng listahang ng mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga ngayong linggo.
Hindi naman binanggit ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya kung kailan ang eksaktong petsa ng paglalabas ng listahan.
Aminado naman si Malaya na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang masusing revalidation sa listahan.
Muli ring nabawasan ang mga narco politicians.
Bagamat una nang inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ang kanyang pagtutol sa paglabas ng naturang listahan, hindi naman ito nagdulot ng hindi pagkakaintindihan sa dalawang ahensya.
Tiniyak din ng DILG na hindi magagamit sa pulitika ang narco-list at taumbayan pa rin ang magpapasya kung sino ang ihahalal.