Pinuna ni Vice President Leni Robredo ang pagsasapubliko ng pangalan ng mga mambabatas na sinasabing sangkot sa maanomalyang proyektong pang-imprastraktura kahit walang matibay na ebidensya laban sa kanila.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, giit ni Robredo na kung walang pruweba ay hindi dapat inilabas ang pangalan ng mga kongresista.
Mahalagang mayroong imbestigasyong gawin para patunayan na guilty ang mga mambabatas sa korapsyon.
Kung may mga nagpadala man ng sumbong ay dapat munang imbestigahan para matiyak na totoo ang mga alegasyon bago ito isapubliko.
Matatandaang inilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga dati at kasalukuyang solon na umano’y tumanggap ng kickbacks mula sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang sa mga ito ay sina:
1. Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato
2. Dating Ifugao Rep. Teodoro Baguilat Jr.
3. Quezon City 5th District Rep. Alfredo Paolo Vargas
4. Misamis Occidental 2nd District Rep. Henry Oaminal
5. Isabela 4th District Rep. Alyssa Sheena P. Tan
6. Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza
7. Quezon 4th District Rep. Angelina Helen Tan
8. ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap
9. Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman