Ipinauubaya na ng Malacañang sa Office of the Ombudsman kung isasapubliko ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos maglabas ng bagong guidelines ang Ombudsman kung saan nililimitahan ang mga pwedeng humingi ng kopya ng SALN ng government officials.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, iginagalang nila ang mga polisiya ng Ombudsman.
Dagdag pa ni Roque, ang Ombudsman ay mayroong nakalatag na mekanismong kailangang sundin ng publiko kung kailangan nila ng kopya ng SALN ng Pangulo.
Pagtitiyak ng Palasyo na bibigyan nila ng kopya ng SALN ng Pangulo ang sinumang humihingi nito basta nasusunod ang mga patakaran sa pagkuha nito.
Facebook Comments