Tiniyak ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao ang pagsasapubliko ng kanyang Statement of Asset, Liabilities and Net Worth o SALN sa oras na manalo siya sa 2022 elections.
Pahayag ito ni Pacquiao ng hingan ng reaksyon kaugnay sa napaulat na pagtanggi umano ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos na magsapubliko ng SALN.
Sabi ni Pacquiao, hindi niya alam kung ano ang gusto ng ibang kandidato.
Pagtiyak ni Pacquiao, sa ilalim ng kanyang pamumuno ay hindi lang ang pangulo ang obligadong magsapubliko ng SALN kundi ang lahat ng opisyal ng gobyerno.
Facebook Comments