Manila, Philippines – Mariing kinontra ni Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Panfilo Ping Lacson ang planong pagsasapubliko ng narcolist ngayong panahon ng kampanya.
Giit ni Senator Lacson, na dati ring hepe ng pambansang pulisya, hindi dapat ilabas ang narcolist kung hindi pa ito beripikado at kung hindi suportado ng matitibay na ebidensya.
Para kay Lacson, sa halip na ilantad ay makabubuting gamitin ang narcolist para sa pagbuo ng malakas na kaso laban sa mga indibidual na umanoy sangkot sa ilegal na droga.
Giit ni Lacson, hindi makatwiran at hindi patas kung sa bantang huli o pagkatapos ng eleksyon ay mapapatunayan na walang kasalanan ang sinuman na kasama sa narcolist.
Ayon kay lacson, nangyari na ito noon at posibleng mangyari uli kung basta basta na lang ibubunyag ang narco list.