Pagsasapubliko sa pagkakakilanlan ng COVID-19 patients, kailangan ng Presidential Proclamation

Suportado ni Senator Francis Tolentino ang utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF-EID na mandatory disclosure o pagsasapubliko ng personal information ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Layunin ng hakbang ng IATF na mapabilis ang contact tracing at mapigil ang pagkalat ng coronavirus.

Pero giit ni Tolentino, nakasalalay dito ang constitutional right sa privacy ng mga pasyente kaya kailangan ng presidential proclamation at hindi sapat ang resolusyon na inilabas ng IATF.


Iminungkahi rin ni Tolentino na huwag total public disclosure ang gawin para patuloy na mapo-protektahan mula sa diskriminasyon ang mga tatamaan ng COVID-19.

Ayon kay Tolentino, sa halip na ilabas sa publiko ay pwedeng ibahagi lang sa Department of Health (DOH), sa Philippine National Police (PNP) at sa mga Local Government Units (LGUs) ang pangalan at lahat ng impormasyon ukol sa COVID-19 patients.

Facebook Comments