Pagsasapubliko sa pangalan at kundisyon ng COVID-19 patients, kinatigan ng DOJ

68

Suportado ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang panawagan ng IBP o Integrated Bar of the Philippines, na isapubliko na ang medical condition at pangalan ng mga COVID-19 positive at mga PUI o persons under investigation.

Ipinaliwanag ni Guevarra na sa pamamagitan nito ay mabibigyang pagkakataon ang mga taong nakasalamuha ng pasyente na makagawa ng kaukulang hakbang sakali mang nahawa sila.


Sa ganito, aniyang, sistema ay hindi na kakailanganin pa ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng contact tracing dahil mismong ang mga taong nakasalamuha ng COVID-19 carrier ang kusang-loob na magpapa-quarantine.

Nabatid na mismong ang Philippine Medical Association at ang Data Privacy Commission ang nagkaloob ng ethical at legal basis para dito kasabay ng pag-iral ng public health emergency.

Facebook Comments