Pagsasapubliko sa tattoo ni Paolo Duterte, dapat may utos mula sa korte

Pinayuhan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kapatid na si dating Vice Mayor Paolo Duterte na huwag ipakita sa publiko ang kanyang tattoo.

Ito ay maliban na lang kung ipag-uutos ng korte na ipakita ang sinasabing dragon tattoo ni Pulong sa likod nito.

Ayon kay Mayor Inday – kung siya ang nasa katayuan ng kanyang kapatid, hindi niya ipapakita ang kanyang tattoo.


Base sa video series na “ang totoong narcolist”, sinabi ng nagngangalang alyas “Bikoy” na nakinabang sa kanya si Pulong at mapapatunayan ito sa pamamagitan ng tattoo ng presidential son kung saan mayroong code na “Alpha Tierra 0029”.

Sinasabi ni “Bikoy” na ginagamit ni Paolo ang code sa bribery scheme para sa drug trafficking sa ilalim ng tinatawag na “tara” system.

Facebook Comments