Manila, Philippines – Nakiisa Sina Senators Grace Poe at Chiz Escudero sa mga panawagan sa Malakanyang na isapubliko ang 29 na kasunduang naiselyo sa pagitan ng Pilipinas at China kasabay ng pagbisita ni President Xi Jinping.
Ayon kay Poe, mahalaga ang transparency and accountability lalo na sa mga kasunduang bilyong piso ng pondo ang nakataya.
Dagdag pa ni Poe, kailangang malaman ng publiko ang laman ng mga nabanggit na mga kasunduan lalo na ang hinggil sa planong exploration acitivities ng dalawang bansa na hindi lang sa ating ekonomiya makakaapekto kundi sa atin ding kasarinlan.
Diin nina Senators Poe at Escudero, obligasyon ng gobyerno na maging bukas sa publiko lalo pa at may nakataya ding pera ng taongbayan sa mga proyektong ikakasa katuwang ang China.
Punto naman ni Escudero, dapat ilantad at ipagmalaki ng Malakanyang ang nakapaloob sa mga kasunduan kung hindi dito dehado ng Mamamayang Pilipino at ang ating bansa.