Pagsasara at pagbabawal ng POGO, ipauubaya ng DOJ sa economic managers

Ipinauubaya na ng Department of Justice sa economic managers ang posibilidad ng tuluyang pagbabawal at pagsasara ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, maituturing itong economic issue kaya’t dapat ang economic managers ang pakinggan kaugnay sa ganitong usapin.

Susunod lamang aniya ang kagawaran sa kung ano ang magiging polisiya ng gobyerno.


Sinabi pa ni Vasquez na bagama’t kumikita ang gobyerno sa legal na POGO ay maraming nag-o-operate na iligal na POGO na nagdudulot ng banta sa seguridad ng bansa.

Una nang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na hindi pa napapag-usapan ang epekto ng panukalang i-ban na ang POGO sa bansa pero pabor umano siya sa pagpapasara nito.

Kahapon, sinabi ng PAGCOR na hindi na papayagan ang POGO hubs pero wala pang utos na ipasara ang mga natitirang nag-o-operate.

Facebook Comments