Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte hindi maaaring ipasara muli ng pamahalaan ang ekonomiya dahil magiging mapaminsala ito para sa bansa.
Ito ang pahayag ni Pangulong Duterte matapos niyang aprubahan ang paglalagay sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa general community quarantine bubble mula March 22 hanggang April 4 para mapigilan ang pagtaas ng COVID-19 cases.
Sa kanyang lingguhang public address, napansin ni Pangulong Duterte na maraming tao ang nagpupunta sa mga malls at tiangge, partikular sa Divisoria.
Hindi na aniya maaaring magkaroon pa ng economic lockdown dahil hindi na ito kakayanin pa ng bansa.
Sinisikap ng pamahalaan na mabalanse ang sitwasyon sa pamamagitan ng paglimita sa galaw ng mga tao – na nakapaloob sa kapangyarihan ng estado.