Pagsasara ng babuyan sa Bukidnon dahil sa ASF, itinanggi ng Department of Agriculture

Pinawi ng Department of Agriculture ang pangamba ng breeders at hog raisers sa Malaybalay, Bukidnon sa mga ulat na magsasara na ang ilang piggeries dahil sa African Swine Fever.

Nakipagpulong na sa kanila si Agriculture Secretary William Dar at nangako ng tulong na maglaan ng Php 29.5 billion para mapahusay ang recovery at mapalakas ang industriya ng pagbababoy.

Partikular na tinukoy ni Dar ang mga green zones area o mga lugar na wala pang kaso ng ASF.


Aniya, nag set-up na ng loan program ang DA para sa commercial hog raisers sa ilalim ng Whole of Government measures upang buhayin ang hog industry at maibaba ang presyo ng karneng baboy.

Dapat lang na palakasin pa ng mga breeder at grower ang biosecurity control measures upang mapanatiling ASF free ang lalawigan.

Facebook Comments