Posibleng abutin ng isang linggo ang pagsasara ng mga emergency room ng Philippine General Hospital (PGH).
Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, kailangan munang tugunan ang pangangailangan ng mga pasyente dahil sagad na sa occupancy rate ang sineserbisyuhan ng pagamutan.
Tatanggapin naman ng ospital ang mga kritikal na pasyente na isusugod sa PGH.
Sa ngayon, nasa 325 na ang pasyenteng may COVID sa nasabing ospital kung saan karamihan sa mga ito ay may malalalang kaso na kinakailangan ng high-flow oxygen at ventilator.
Upang matugunan ang iba pang severe cases, inililipat na ng PGH ang mga malapit nang gumaling na pasyente sa ibang ospital.
Pero pag-amin ni Del Rosario, hindi madaling maglipat ng pasyente dahil karamihan sa mga ospital ay puno na rin ang mga ICU beds.