Mababawasan ang transmission ng COVID-19 kapag isinara ang lahat ng paaralan sa bansa.
Ito ang pananaw ng Department of Health (DOH) Technical Advisory Group (TAG) sa harap ng napipintong pagbabalik ng limited in-person classes sa Enero.
Ayon kay Dr. Anna Ong-Lim ng DOH-TAG, lumalabas sa pag-aaral ang epekto ng non-pharmaceutical interventions para maiwasan ang COVID-19 transmission.
Aniya, malaki ang maibabawas sa transmission kapag isinara ang lahat ng educational institutions, paglilimita sa gatherings sa 10 tao o mababa pa, pagsasara ng face-to-face businesses.
Sinabi niya na walang pinipiling edad ang virus kaya maaari itong maipasa kahit kanino.
Facebook Comments