Pagsasara sa valves ng MT Terra Nova na pinagmumulan ng oil spill, nagpapatuloy

Recovery operations at ground zero where MT Terra Nova sank (30 July 2024)

Nagpapatuloy ang recovery operations ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ground zero kung saan lumubog ang MT Terra Nova sa bahagi ng Manila Bay.

Sa ulat ng PCG, idineploy na rin ang dalawa pa nilang barko na BRP Boracay at BRP Malamawi para tulungan ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan sa pagsasagawa ng survey sa mga lugar na nakikitaan ng bakas ng tumagas na langis.

Nauna nang nagsagawa ng water sampling ang University of the Philippines Marine Science Institute sa karagatan malapit sa Mall of Asia sa Pasay City, Cavite, Bulacan, at Bataan upang tingnan kung kontaminado na rin ito ng langis mula sa lumubog na oil tanker.


Tuloy-tuloy pa ngayon ang diving operation ng kinontratang Harbor Star Shipping Services para selyuhan ang dalawampu’t apat na valves na pinagmumulan ng oil spill.

Una na ring sinabi ng PCG na ito ang dahilan kung bakit hindi pa natutuloy ang siphoning operations.

Facebook Comments