Iminungkahi ng dating National Task Force Against COVID-19 adviser na magpatupad na ng travel ban sa lahat ng bansa.
Ito ay matapos makapagtala kahapon ng dalawang kaso ng Omicron COVID-19 variant ang Pilipinas mula sa pasaherong nanggaling sa Japan at Nigeria.
Ayon kay Dr. Tony Leachon, dapat gayahin ng Pilipinas ang ginawang hakbang ng Israel kung saan nagpatupad agad sila ng travel ban at isinarado ang borders sa lahat ng bansa para mapigilan ang pagpasok ng Omicron.
Iminungkahi rin ni Leachon na baguhin ang quarantine protocols kagaya ng pagpapatupad ng mas mahabang araw ng quarantine lalo na’t marami pa ang hindi bakunado kabilang na ang mga senior citizen.
Idinagdag pa ni Leachon na dapat umaksyon agad ang pamahalaan ngayong nagsisimula nang bumangon ang ekonomiya ng Pilipinas.