Pagsasauli ng pamilya Marcos ng yaman sa gobyerno, dapat walang kapalit

Manila, Philippines – Welcome para kay Senate President Koko Pimentel ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagsasauli ng pamilya Marcos ng kanilang yaman sa pamahalaan.

Naniniwala si Pimentel na makakatulong ang anumang donasyon sa gobyerno.

Gayunpaman, iginiit ni Pimentel na dapat walang kapalit ang nabanggit na hakbang ng pamilya Marcos.


Diin ni Pimentel, dapat magpatuloy pa rin ang mga kaso laban sa pamilya Marcos kahit pa mag-donate ito sa pamahalaan.

Facebook Comments