Manila, Philippines – Binalewala na lamang ng kampo ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang mga kasong isinampa ni dating TESDA head Augusto “Buboy” Syjuco kaugnay sa maanomalyang pagpapatupad ng dengue vaccination.
Ayon kay Atty. Abigail Valte, mismong si Syjuco na rin ang umaming wala siyang hawak na ebidensya maliban sa mga 22 news clippings na ginupit mula sa mga pahayagan.
Sinabi pa ni Valte na ang mga ganitong kalokohan at iresponsableng kaso ay pagsasayang lamang ng oras at pera ng taongbayan.
Welcome naman kay dating Health Secretary Janette Garin ang kaso upang maipaliwanag ang kanilang panig hinggil sa nasabing isyu.
Pagkakataon din niya ito upang magkaroon ng linaw at maisumite nila ang mga ebidensya na magpapatunay na sumunod sila sa proseso at walang nangayaring katiwalian sa pagbili ng nasabing vaccine.