Pagsertipikang urgent ni PBBM sa pagpapaliban sa BARMM election, pinuri ng stakeholders

Pinapurihan ng mga stakeholder sa  Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) ang pagsertipika ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent sa panukalang pagpapaliban sa eleksyon sa rehiyon.

Hinikayat ni Presidente Marcos ang Kongreso na bigyang prayoridad ang panukala, ilang linggo bago suspindehin ng legislative body ang sessions nito upang bigyan ang mga kandidato ng sapat na panahon na mangampanya para sa 2025 national elections.

Sa isang panayam sa Teleradyo, ikinatuwa ni  BARMM Minister for Interior and Local Government Atty. Sha Elijah Dumama-Alba ang hakbang ng Pangulo, binigyang-diin ang kagya’t na pangangailangan na ipasa ang bill.


“We welcome this development and the news that President Marcos Jr. issued a certificate of urgency, as it recognizes that there are numerous issues that need to be addressed before we can fully say that BARMM is ready for elections,” sabi ni Dumama-Alba.

Sa kanilang panig, ang MPs, Gov. Sammy Gambar, Gov. Mamintal Alonto Adiong, Jr., Gov. Ishmael Mang Sali, at Gov. Jim Hataman, at ang iba pang stakeholders ay nagpasalamat kay SAP Anton Lagdameo sa pagtingin sa kapakanan ng BARMM at sa pagtutulak sa pagpapaliban sa eleksiyon.

Ang Pangulo ay nagpadala ng liham kay Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na nagsesertipikang urgent sa Senate Bill No. 2942, na naglalayong ipagpaliban ang BARMM elections sa October 2025.

Noong November 2024, inihain ni Escudero ang  bill upang ipormalisa ang kanyang panukala na ipagpaliban ang BARMM parliamentary elections. Ang Senate bill ay nakalusot na sa second reading at ipinapanukalang i-reschedule ang BARMM elections sa October 13, 2025, mula May 12, 2025.

Samantala, inaprubahan na ng House of Representatives ang bill na nag-uurong sa halalan sa May 2026.

Ang BARMM stakeholders at public officials ay nagpahayag ng suporta sa pagpapaliban sa 2025 elections sa rehiyon, binigyang-diin na may mga isyung dapat tugunan, tulad ng paghihiwalay sa lalawigan ng Sulu sa BARMM at ang hindi pagiging balanse ng parliamentary seats kapag itinuloy ang eleksiyon.

“This purposeful resetting is intended to ensure that the electoral process is conducted with integrity and safeguards the fundamental right of suffrage by creating the conditions necessary for its meaningful exercise,” sabi nina Basilan Gov. Jim Hataman Salliman, Lanao del Sur Gov. Mamintal Alonto Adiong Jr., Maguindanao del Norte Gov. Abdulraof Macacua, at Tawi-Tawi Gov. Yshmael Sali sa isang joint statement.

Igiiniit ng mga governor na ang kanilang panawagan ay hindi ‘politically motivated’ kundi isang legislative responsibility upang unahin ang kapakanan ng mga residente ng BARMM.

Sampung Basilan mayors, na kinabibilangan nina Roderick Furigay ng Lamitan City, Nasser Abubakar ng Lantawan, Moner Manisan ng Tabuan Lasa, Jomar Maturan ng Ungkaya Pukan, Jaydeefar Lajid ng Albarka, Alih Sali ng Akbar, Arsina Kahing-Nanoh ng Muhtamad, Jul-Adnan Hataman ng Sumisip, Arcam Istarul ng Tipo-Tipo, at Talib Pawaki ng Hj. Muhammad Ajul ang nagpahayag din ng suporta sa pagpapaliban sa halalan.

Facebook Comments