Pagsibak kay Cong. Isidro Ungab sa komite ng Kamara, malaking insulto umano kay PRRD

Iginiit ng Hugpong ng Pagbabago o HNP na malaking insulto kay Pangulong Duterte ang ginawang pagpapatalsik kay Davao City Representative Isidro Ungab bilang Chairman ng House Committee on Appropriations.

Sa ipinadalang statement ng HNP mula sa opisina ni Davao City Mayor Inday Sarah Duterte, sinabi rito na pag-atake sa Pangulo ang ginawa ng liderato ng Kamara at hindi sa kanilang partido.

Paliwanag ng HNP si Ungab ay personal na pinili ng pangulo bilang chairman ng komite.


Batay din sa kanilang impormasyon ay walang kautusan si Pangulong Duterte na alisin si Ungab sa posisyon.

Nanindigan din ang partido ng presidential daughter sa kanilang suporta sa kredibilidad at karangalan ni Ungab.

Iginiit din ng mga ito na loyal sila sa kung sino ang tapat sa Pangulo at hindi sila makikipagtalo sa liderato ni Speaker Alan Peter Cayetano bagkus ay panonoorin na lamang nila ang palabas ng mababang kapulungan.

Facebook Comments