Isang malaking kilos-protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, health workers at medical advocates sa Mendiola, Manila.
Ito’y upang igiit ang pagbibitiw ni Health Secretary Ted Herbosa at pagbabalik ng PhilHealth subsidy sa ilalim ng 2025 national budget.
Nasa 1,000 miyembro ng Nagkakaisang Mamamayan para sa Pangkalusugang Pangkalahatan ang sabay-sabay na nagmartsa sa Morayta patungo sa Mendiola.
Ayon kay Judy Miranda, secretary-general ng Partido Manggagawa (PM), hindi makatwiran ang zero subsidy para sa PhilHealth pero buhos naman sa AKAP, AICS, TUPAD at confidential funds na isang uri ng trapo.
Sigaw nila ang pagtanggal kay Herbosa dahil sa halip na suportahan ang sektor ng kalusugan, ang zero budget ng PhilHealth ang sinusuportahan kung saan hindi na rin maganda ang pamumuno nito.
Panawagan pa nila kay Pangulong Bongbong Marcos na i-veto ang rekomendasyon ng Kongreso na bigyan ng zero budget ang PhilHealth dahil mayroon itong malaking epekto sa healthcare system.