Pagsibak kay PCSO General Manager Alexander Balutan, kinumpirma ng Malacañang

216

Kinumpirma na ng Palasyo ng Malacanang na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si PCSO General Manager Alexander Balutan.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, issue ng katiwalian ang dahilan ni Pangulong duterte kaya nito sinibak si Balutan sa Posisyon.

 

Sinabi ni Panelo na dapat itong magsilbing aral sa lahat ng opisyal at empleyado ng Pamahalaan at tiniyak din nito na walang sisinuhin ang Pangulo kahit pa ang kanyang mga kaibigan.

 

Ibinabala pa ni Panelo natulad ng war on drugs ay hindi din aniya hihinto ang pamahalaan sa paglaban sa katiwalian sa gobyerno.

 

Ang lahat aniya ng hindi makasusunod sa mga ipinatutupad na panuntunan ni Pangulong Duterte ay tiyak na matitikman ang katapat nitong parusa.

Facebook Comments