
Malinaw para kina Representatives Antonio Tinio ng ACT Teachers Party-list at Renee Louise Co ng Kabataan Party-list na ang pagsibak kay General Nicolas Torre III bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) ay patunay ng lumalawak na hidwaan sa loob ng Administrasyong Marcos.
Dismayado si Tinio na patuloy ang rigodon at awayan sa loob ng PNP at ang pag-aagawan ng magkakaibang mga grupo sa kapangyarihan sa gitna ng malalang korapsyon sa gubyerno, kapos na serbisyong panlipunan, at tumitinding kahirapan ng mamamayan.
Diin naman ni Rep. Co, ang pagsibak kay Torre ay sumasalamin sa katangian ng authoritarian government kung saan nagsasalpukan ang mga elitista habang ang pangkaraniwang mamamayan ay nagdurusa sa mababang uri ng serbisyo, tumataas na gastos ng pamumuhuay at lumalalang pag-abuso sa karapatang-pantao.
Giit pa ni Co, hindi masosolusyunan ng simpleng pagpapalit ng mga opisyal ang malalim na problema ng PNP bilang kasangkapan ng pang-aapi laban sa mamamayan.









