Pagsibak kay VP Leni, posibleng pantakip sa mga kontrobersya sa Sea Games

 

 

Naniniwala si Senator Kiko Pangilinan na posibleng pantakip sa mga kapalpakan sa Southeast Asian Games o Sea Games ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter Agency Committee on Anti Illegal Drugs O ICAD.

 

Diin ni Pangilinan, marami ang natuwa at humanga sa pagtanggap ni VP Leni sa inialok na posisyon ng pangulo kaya sumabog sa mukha ng administrasyon ang kanilang tangkang pahiyain si VP Leni.

 

Ayon kay Pangilinan, sa maikling panahon ay ipinakita ni VP Leni na hindi solusyon ang araw-araw na patayan ng mga mahihirap na drug user habang pinapakawalan at pino-promote ang malalaking drug lord, ninja cops, at mga protektor nila.


 

Para kay Pangilinan sa pagsibak kay Robredo ay napatunayang walang isang salita ang administrasyon at ang palpak na war on drugs ay ginawa pang war on vp.

Facebook Comments