Pagsibak kay VP Robredo sa ICAD, hindi makakaapekto sa Anti-Drug Campaign

Nirerespeto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Vice President Leni Robredo bilang Anti-Drug Czar.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang ginawang hakbang ng Pangulo ay hindi makakaapekto sa mandato ng PDEA na labanan ang ilegal na droga sa bansa, na may sinseridad at integridad.

Naniniwala sila sa karunungan ng Pangulo.


Sa ilalim ng Executive Order No. 15, si Aquino ay sole Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Facebook Comments