Nauunawaan ni Senate President Tito Sotto III ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-sibak kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.
Naniniwala si Sotto na may tiwala si Pangulong Duterte kay VP Leni kaya niya ito i-tinalaga na mamuno sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
Nanghihinayang si Sotto sa nag-lahong tiwala ng Pangulo sa Bise Presidente kaya inalis na ito sa ICAD.
Sa tingin ni Sotto, layunin ng pagtatalaga ni Pangulong Duterte na makita ni VP Robredo kung gaano katindi ang problema sa ilegal na droga ng bansa.
Pero sabi ni Sotto, marahil para sa Pangulo ay hindi nasusunod ang trabaho na kanyang ibinigay kay Robredo.
Ikinumpara pa ni Sotto ang sitwasyon sa basketball kung saan prerogative o nasa desisyon ng coach kung sino ang manlalarong ipapasok at aalisin sa laban.