Pagsibak sa AFP intel officer, suportado ni Senator Pangilinan

54

Para kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan, tama ang pagsibak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Major General Alex Luna na siyang deputy chief of staff for intelligence ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kaugnay ito sa inilabas ng AFP na maling listahan ng mga estudyante ng University of the Philippines (UP) na kasapi umano ng New People’s Army (NPA).


Ang nabanggit na listahan ay sinasabing kabilang sa pinabasehan ng pagbasura ng Department of National Defense (DND) sa 1989 agreement nito sa UP.

Diin ni Pangilinan, makatwiran lang na papanagutin ang responsable sa nabanggit na pagkakamali.

Ikinatwiran pa ni Pangilinan na dahil sa nangyari ay imahen at reputasyon ng buong AFP bilang isang professional at disiplinado na institusyon ang nadungisan.

Facebook Comments